Valentine’s Day treat for Special Children

Screen Shot 2016-02-11 at 11.44.40 AM

Kasabay ng pagdiriwang sa Buwan ng mga Puso, idaraos ng samahan ng Events Specialists and Party Needs (ESPN) at iba pang mapagkawanggawa ang isang Valentine’s Day treat outreach program para sa mga special children mula sa National Capital Region sa darating na Biyernes, Pebrero 12 simula 1:00 ng hapon sa Marikina Sports Center.

Iba’t ibang sorpresa ang naghihintay sa mga dadalo tulad ng magic show, balloon show, ventriloquism, puppet show, bubble show, at iba pa. Tampok din ang mga mascots, clowns, jugglers at balloon twisters na magdadagdag ng saya sa nasabing aktibidad. Bukod sa mga nabanggit, makakatanggap din ang mga dadalo ng iba’t ibang freebies tulad ng sorbetes, hotdogs at maging oral health care sets, at mga laruan. “Tayo sa pamahalaang lungsod ay natutuwa bilang host ng ganitong adbokasiya sa dalawang magkasunod na taon.

Tayo ay nagpapasalamat sa samahan ng events specialist at party needs para sa pagsasagawa ng aktibidad na ito. Inaanyayahan natin ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga special children na dalhin sila at makibahagi sa Valentine’s Day treat na ito,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Matatapos ang programa sa isang makulay na fireworks display.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s