Car rentals warned against carjacking modus

Car Rental Killing SuspectMarikina Mayor Del De Guzman appeals and warns the public to take extra precautionary measures especially those who are ­offering car rental services.

De Guzman’s statement was made after Leonard Jose Bacani, 35, married, businessman, and a resident of SSS Village, Brgy. Concepcion Dos, Marikina City was killed. Bacani was the owner of the car which his customer rented and attempted to steal but eventually used by the suspect to kill him in the chase.

“Please take extra caution when dealing with transactions like this because criminals disguised as ordinary persons are taking advantage of the opportunities. It is advisable to ask for pertinent documents like identification cards and Police Clearance, as well as document (photo or video) the transaction process just like what Bacani did. If possible, conduct a background check before closing any transaction. This measure can ensure our safety especially now that the summer season is drawing near and there will be vacations and out-of-town trips and car rentals will be on high demand,” De Guzman said.

Although the crime involving Bacani was committed outside Marikina, De Guzman hopes it will be solved in the soonest possible time.

“We trust the capability of the authorities of Mendez, Cavite in giving justice to our fellow Marikenyo. We would like to express our deepest sympathy to his bereaved family,” De Guzman added.

De Guzman likewise instructed Marikina Police Station headed by PS Supt Vincent Calanoga to feed him regular updates on the development of the case.

Mayor Del De Guzman’s speech for the State of the City Address (SOCA)

SOCA 2015Ang nakaraang taon ay naging makabuluhan at matagumpay sa maraming bagay na nagdulot ng panibagong sigla at pag-asa sa ating pamayanan. Ito ay bunga ng dedikasyon at katapatan ng mga lingkod bayan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at sa maigting na pakikilahok ng mga civil society orgnizations, business groups, barangay leaders at mga iba pang sektor sa mga proyekto at pagawain ng pamahalaan ayon sa ating pilosopiya sa panunungkulan: Tunay na kaunlaran, Tao naman. Gayundin ang wagas na layunin ng pamahalaan na matulungan, at maiangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga dahop na kababayan, mga kabataan, mga taong may kapansanan at senior citizens sa pamamagitan ng mga proyektong ipinatutupad sa ilalim ng Grassroots Participatory Budgeting ay tunay ngang naglapit sa ating pamahalaan at mga taong ating pinaglilingkuran.

Hayaan po ninyong aking ilahad ang mahahalaga nating naisakatuparan sa nakaraang taon kabilang na ang mga pagkilala at parangal na natamo ng ating lungsod at mga nilalayon nating gawin sa taong kasalukuyan.

Sa larangan ng Competitiveness

Muli tayong ginawaran ng parangal at natala sa National Competitiveness Index ng Pilipinas bilang 5 Most Competitive City sa buong bansa at Top 3 sa larangan ng Infrastructure. Isang karangalang tunay nating maipagmamalaki. (Ang National Competitivenes Index ay taunang ranking ng cities and municipalities na isinasagawa ng National Competitiveness Council sa tulong ng United Agency for International Development gamit ang 28 indicators, grouped into three pillars: economic dynamism, government efficiency and infrastructure.)

Sa larangan ng Good Governance

Ang Lungsod ng Marikina ay ginawaran ng Philippine Society for Quality at Development Academy of the Philippines bilang kampeon sa First Philippine Benchmarking Competition. Bilang national winner, ang lungsod ay hinirang na maging kinatawan ng Pilipinas sa 3rd Global Benchmarking Competition sa Abu Dhabi sa halip na Orlando, Florida. (Ang kompetisyon ay nilahukan ng private at public sectors na ang layunin ay maipakita ang kahalagahan ng benchmarking process sa kanilang improvement and innovation drive.)

Ang Business Permits at Licensing Office ay binigyan ng Tanggapan ng Ombudsman ng Blue Certification para sa matagumpay na pagpapatupad at pagmementena ng sistemang nakatutulong sa maginhawang proseso ng mga requirements sa pagnenegosyo sa lungsod. Ang Blue Certification ay isang programang nagbibigay ng pamantayan kung paano susugpuin ang red tape sa regulasyon ng paghahanap-buhay.

Sa pamamagitan ng Serbisyo 24 Coupons, nakalikha tayo ng isang kakaibang stratehiya na nagbibigay insentibo sa mamamayan. Sa loob lamang ng 3 buwan ay 9,851 na ang bilang ng nag-avail ng iba’t-ibang free services na kaakibat ng serbisyo coupons.

Ang rebisyon ng Comprehensive Land Use Plan mainstreaming Climate Change Action Plan at Risk Reduction Management Plan ay natapos na at ito ay handa ng isumite sa City Council for enactment at adoption ng Zoning Ordinance.

Pagpapatupad ng 5S sa bawat tanggapan ng pamahalaan kung saan ang lahat ng kawani ay sinasanay na magkaroon ng sariling kusa na panatilihin ang kalinisan, disiplina, kaayusan at kahusayan sa kani-kanilang tanggapan.

Sa programang Katiyakan sa Paninirahan, napapanatili natin ang mataas na Collection Efficiency Ratio na 95% sa Social Housing Finance Group bilang originator ng 13 CMP projects na may 1,017 beneficiaries. Ito ay patunay na tayo ay seryoso sa ating commitment sa housing program.

Naglaan tayo ng pinansyal na tulong sa Bayan ng Hernani, Eastern Samar na sinalanta ng bagyong Yolanda bilang tulong sa pagpapatayo ng kanilang bagong munisipyo.

Sa larangan ng Social Services

Ang pamahalaang lungsod ay ginawaran ng Seal of Child Friendly Local Governance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong buwan ng Nobyembre, 2014. (Ang Child-Friendly Local Governance Audit ay ginagawa taun-taon ng DILG as a major tool in assessing LGU performance in the delivery of social services on Child and Youth Welfare and identifying results for intervention.)

Operational na ang Women Shelter para sa mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso at karahasan. May kabuuang 330 ang naitalang iba’t-ibang uri ng pang-aabuso laban sa kababaihan sa nakaraang taon ang nabigyan ng kaukulang interventions. Ninanais natin na tuluyang magbago ang kaisipan at pag-uugali ng mga taga Marikina hinggil sa usaping Gender and Development at maging sensitibo ang bawat isa sa pagtrato at pagpapahalaga sa kapwa, anumang gender o estado sa buhay.

Nagpamahagi tayo ng Philhealth IDs sa 5,000 beneficiaries sa taong ito.

6,000 mag-aaral sa Marikina at 338 PWDs ang ating binigyan ng educational assistance sa ilalim ng College Educational Assistance Program (CEAP) sa halagang Php2,500 bawat isa.

Alinsunod sa Magna Carta for Disabled Person, binuksan natin ang tanggapan ng Person with Disability Affairs Office (PDAO) na nagsisilbi sa humigit-kumulang na 1,663 rehistradong PWDs bilang pagpapahalaga sa interes ng mga kababayan nating may kapansanan.

Ang tanggapan naman ng Senior Citizens ay nagpamahagi ng 85,402 libreng gamot at flu vaccine sa 6,655 indigent senior citizens. Mayroon ding regular na physical fitness program at health care program ang OSCA para sa 24,380 rehistradong senior citizens ng Marikina.

Ang tanggapan ng Vice-Mayor sa ilalim ng programang Walking Aid Project ay nagbigay ng iba-ibang serbisyo sa 87 taong may kapansanan, kabilang sa naipamahagi ay wheelchairs, artificial legs, crutches o tungkod. Sa programang Kalinga sa may Kapansanan – 6 na may kapansanan ang napagkalooban ng artificial legs.

Sa larangan ng Kapayapaan, Kaayusan at Seguridad

Pinaigting ang mga pangkat kontra droga sa mga paaralan sa pamamagitan ng Student Council Against Dangerous Drugs.

Hinimok natin ang mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa buong lungsod na makiisa sa laban Kontra Droga at Krimen sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Anti-Illegal Drugs seminars.

66 na operasyon o raid ang isinagawa at matagumpay na naisakatuparan ng Marikina Anti Drug Abuse Council at Marikina-Philippine National Police. Ang kahusayan ng Marikina Anti-Drug Abuse Council ay binigyan ng parangal ng Dangerous Drugs Board kalakip ang cash incentive na Php5M na ating gagamitin sa pagpapatayo ng MALE ADULT AND JUVENILE REHABILITATION CENTER. Marapat lang siguro na bigyan natin ng masigabong palakpakan ang Anti-Drug Abuse Council sa pamumuno ni Vice-Mayor Jose Fabian Cadiz at ating kapulisan sa pangunguna ni Vincent Calanoga for a job well done. Mabuhay po kayo.

Inilunsad ang kilusang “Bantay Lahat, Lahat Bantay” –isang bagong pwersa na iniluwal ng ating Peace and Order Council na tutulong sa Bantay Bayan at Barangay Peace keeping Action Team (BPAT) – mga volunteer groups na bahagi ng force multiplier na katuwang ng ating kapulisan.

Pagtatatag ng Marikina Patrol na kinabibilangan ng mga civilan volunteers upang tumulong sa lokal na pamahalaan sa pangangalap at pamamahagi ng mahalagang impormasyon upang magsilbing gabay ng taumbayan at batayan ng pagpapasya ng pamahalaan.

Naikabit ang 100 CCTV cameras sa mga istratehikong lugar ng lungsod at fully operational na ang ating state of the art na DRRMO Command Center sa pangalawang palapag ng City Health Office.

Pagpapatupad ng organisado at epektibong paglilikas sa panahon ng pagbaha o panahon ng kalamidad (zero casualty).

Sa larangan ng Pangkalikasan

Nakapagtanim tayo ng 40,000 coffee seedlings sa Pintong Bocaue at Baras at 7,000 hardwood species sa Sitio Kayrupa, Bgy. San Rafael, San Mateo, Rizal para sa greening at rehabilitasyon ng Marikina Watershed katuwang and DENR, ilang malalaking kompanya, mga pamantasan, NGOs at civic groups.

Napapanatili natin ang 100% garbage collection efficiency sa lungsod at patuloy na operasyon ng Material Recovery Facility (MRF) at composting activities sa pamamahala tanggapan ng CEMO.

Matapos ang malawakang pagdiriwang ng Bagong Taon, sinasabing kapansin-pansin ang dagliang panunumbalik ng kalinisan at kaayusan sa ating lungsod. Ito ay isang gawi at kultura na tunay nating maipagmamalaki.

Sa larangan ng Pangkalusugan

Natamo natin ang mga sumusunod na pagkilala: 2014 AFHC Award for Creative Development in the Healthy Cities for Disaster Preparedness, Response & Recovery na ibinigay ng World Health Organization.   (Ito ay pagkilala sa Comprehensive Earthquake Vulnerability Reduction and Response Plan ng Lungsod.)

Ang Healthy Cities Award – ibinigay ng World Health Organization at Alliance for Heathy Cities sa ating lungsod sa katatapos lamang na 6th Global Conference of Alliance for Healthy Cities na ginanap sa Hongkong, China.   Ito ay dagdag inspirasyon upang lalo nating pagbutihin ang mga programa at proyektong pangkalausugan para sa ating mga kababayan.

Tumanggap rin ng pagkilala at sertipiko si Konsehala Susana Magtubo, Committee Chairman on Health and Sanitation ng Pioneers in Healthy Cities for Political Advocacy and Community-Based Activities para sa kanyang suporta sa mga adbokasiya at proyektong pangkalausugan ng lokal na pamahalaan.

Natapos ang bagong gusali ng Balubad Health Center at Lying–in Clinic na may 2 palapag.

Ang 3 palapag na Tumana Lying-In Clinic, 2 palapag na Parang Health Center at 3 palapag na Concepcion Uno Health Center na pinasimulan nating noong nakaraang taon ay nakatakdang matapos ngayong 2015.

Ang Philhealth Portal Systems sa 17 health centers ay fully operational na.

Sa larangan ng Edukasyon

Naisakatuparan ng Marikina Division of Schools ang 100% implementation ng Continuous Improvement Program sa lahat ng pampublikong paaralan na sinasabing modelo at kauna-unahan sa buong Pilipinas. Ito ay katumbas ng Total Quality Management na ginagawa sa mga kumpanya at institusyon na naglalayong itaas pa ang antas ng kalidad ng kanilang serbisyo.

Nakapamahagi tayo ng twenty (20) units ng computer sa bawat pampubllikong paaralan sa ating lungsod. Sa kabuuan ay 620 units ng computer sa 31 paaralan.

Sa larangan ng Pangkabuhayan

Sa taong 2014 ay may natalang 2,631 na bagong business establishments sa lungsod (isang patunay sa matatag nating ekonomiya).

Bilang improvement sa One Stop Shop sa renewal period ng business permits and licenses, ang One Time Assessment/ or Billing ay atin nang ipinatutupad ngayong taong 2015 na nagdudulot ng higit na mabilis na serbisyo sa ating mga business taxpayers.

2nd Runner up ang Marikina Business Portal, isang web-based information project ng ating Management Information System sa 6th National ICT Conferederation of the Philippines Summit at 3rd eGov Award na ginanap sa Davao City.  Tatlong daang (300) entries ang pinagpilian mula sa iba’t-ibang syudad at munisipalidad .

Napalitan natin ang bubong sa kahabaan ng P. Paz St. ng ating Public Market.

Nakapagtala ang ating LRPESO ng 5,000 aplikante na natulungan para sa regular employment.

Naging fully operational na ang Marikina Shoe Industry Development Office (MASIDO) na siyang nangunguna sa pagbalangkas ng mga programa at stratehiya ukol sa industriya ng sapatos.

Sa taong 2014 ang ating gross revenue collection ay umabot sa Php 1.9B na may tax collection efficiency rate na 96%. Sa Business, Permits and Licensing Office, Assessors Office at iba pang income generating offices at sa ating Treasury Office, maraming salamat sa inyo.

Sa larangan ng Pagawaing Bayan

Gumagana na ang pumping stations sa Green Street, Concepcion at sa Riverside Drive sa Provident Village. Ito ay nakatulong ng malaki sa pagpigil sa pagtaas ng tubig sa kasagsagan ng tag-ulan sa mga nasabing lugar.

Natapos na ang bagong gusali ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina na may 6 na palapag, 72 silid aralan at 8,532 na mag-aaral.

Natapos na ang bagong Gusaling Lehislatibo na pinasinayaan natin nitong Lunes.

Naglagay tayo ng mga karagdagang hagdanan sa mga pampublikong paaralan para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral.

Natapos na ang mga bagong Multi Purpose Buildings sa Sunny Square Subd.,Phase II at Rosita Vill Subd., Samantala, ongoing naman ang sa La Colina subd., Friendly Village at Empress Subd.

Nagdagdag tayo ng dalawang (2) track oval sa Marikina Sports Center upang makatugon sa Olympic standards para sa track and field competition.

Sa larangan ng LehislasyonPatuloy ang regular na live streaming ng paperless session sa ating Konseho na binigyang papuri at pagkilala ng DILG at Cyber City Teleservices Philippines (CCTP) sa eGov Award of Excellence in ICT for Good Governance. Kabahagi nito ang e-library, e-archiving at e-legislative tracking na inisyatibo ng ating City Council.

Sa 47 regular sessions at 3 special sessions na isinagawa ng ating City Council, 83 Ordinansa at 240 Resolutions ang naipasa. At ilan sa mahahalagang ordinansa at resolusyon na naipasa ay ang mga sumusunod:

Ordinance No. 003: Ordinance providing Financial Assistance to members of the Marikina Police Station for attending to their Court duties and appropriating funds for the purpose.

Ordinance No. 015: Ordinance Approving the Persons with Disabilities Code of Marikina

Ordinance No. 038: Ordinance Adopting the 2014 Health and Sanitation Code of Marikina City

Ordinance No. 061: Ordinance Enacting the 2014 Bicycle Code of Marikina City

Resolution No. 012: Resolution Adopting the 2015 Local Poverty Reduction and action Plan of Marikina City

Mga natatanging Kaganapan:

Matagumpay na paglulunsad ng taunang Sapatos Festival upang muling buhayin ang nakagisnang industriya ng Marikina na pinasimulan ng ating mga ninuno. Buong pagmamalaki nating kinikilala ang karangalang natamo ng dalawa nating shoe designers sa 6th International Footwear Design Competition na ginanap sa Guangzhou China: Gerome Sta. Maria – – 1st runner-up in Ladies Trendy at Cari Dawn Campbell – – 1st Runner-up in Men’s shoes.

Search for Bb. Marikit at G. Makisig – ito ay joint project ng Lungsod ng Marikina at KALAHI–Marikina, (isang socio-cultural foundation) na nilahukan ng mga piling kinatawan mula sa iba’t-ibang barangay sa Marikina kung saan pinarangalan ang mga nagwagi noong ika-10 ng Disyembre, 2014.

Centennial Jamboree ng Boy Scouts of the Philippines, Luzon Area, ginanap sa barangay Fortune noong nakaraang Nobyembre na nilahukan ng 13,461 na mga boyscouts, mga guro at school officials mula sa iba’t-ibang panig ng Luzon.

2nd International River Summit – ginanap noong Nobyembre sa Marikina Convention Center na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at ng mundo upang magkaroon ng higit na kaalaman at magbahagi ng mga karanasan ukol sa pangangalaga ng ilog. Ito ay pinagsanib na proyekto ng League of Cities, Rotary Club of Marikina at ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina.

6th ASEAN Schools Games – noong buwan ng Disyembre – ito ay joint undertaking ng Department of Education at ng Lungsod ng Marikina na dinaluhan ng 1,477 manlalaro at school officials mula sa pitong bansa na kasapi ng ASEAN.

Ang mga nasabing kaganapan ay patunay lamang sa kakayahan ng ating lungsod na magdaos at mangasiwa ng mga national at international events

Sa puntong ito, hayaan nyong ilahad ko sa inyo ang ilan sa mga proyekto na ating pinondohan at gagawin sa taong 2015:

  • New City Hall
  • Pumping Station in Olive/Russet
  • Improvement of Bonanza Creek
  • Covered Court in Balubad and Saint Claire
  • Improvement of various drainage systems in the different barangays
  • Construction of GAD Building beside CICL building
  • Replacement of transluscent roofing in all streets within the public market zone.
  • Transfer of the Office of the City Prosecutor and Public Attorney’s Office to the 2nd floor of the Justice Hall Building
  • Repositioning of Marikina Shoe Industry in international market, presentation of global strategy to compete internationally and open business channels for the Marikina Footwear manufacturers.
  • Installation of street lights as a critical component of our city’s crime prevention strategy.
  • Completion of Male Adult and Juvenile Rehabilitation Center
  • Full computerization and codification of local ordinances and resolutions

Nagpapasalamat ako sa mga kinatawan ng ating lungsod sa Kongreso sa ating mga barangay, sa ating hudikatura at sa iba pang sangay ng pamahalaan sa kanilang pakikiisa at pagtataguyod sa kahusayan at katapatan sa panunungkulan. Napakahalaga ng inyong naging bahagi sa ating lokal na pamamahala at sa pagpapatibay sa respeto at pagtitiwala ng ating mamamayan sa kanilang pamahalaan.

Sa taong hinaharap, pagsisikapan nating matugunan ang mga inaasahan ng taumbayan sa kanilang pamahalaan. Patuloy tayong maglilingkod ng may puso at pagkalinga lalo na sa maliliit nating mamamayan. Mananatiling tao ang sentro ng ating panunungkulan.

Samahan ninyo ako. Ilaan natin ang tapat, ganap at mahusay na pamamahala, hindi dahil sa pulitika kundi dahil ito ang tawag ng ating sinumpaang tungkulin. Sama-sama nating bigyan ng katuparan ang ating mga pangarap. Dedikasyon, pagkakaisa at pagpupursige – – – ito ang mananatiling sandata sa ating patuloy na paglalayag.

Magandang hapon at mabuhay po tayong lahat.

5th Mayor Del De Guzman Golf Classic Tournament for a Cause

5th DEL Cup

The city government of Marikina continues its advocacy in preserving the environment that will help avert the incidence of perennial flooding in the city and its neighboring localities. With this, the city government will hold on Tuesday (January 13) the 5th Mayor Del De Guzman Golf Classic Tournament for a Cause 2015 at the South Course of the Valley Golf and Country Club in Antipolo City.

Proceeds of the event will go to Marikina Watershed Reforestation Project for the rehabilitation of the Marikina Watershed, the first defense against erosion of rainwater and silts from the Sierra Madre that causes flooding in the city and its nearby localities. Amount that will be generated will fund the reforestation of the watershed through purchase and planting of forest trees and robusta, a variety of coffee.

Tournament registration will start at 10:00 a.m. while the tee-off ceremony which will be graced by Mayor Del De Guzman will be held at 12:00 n.n.

“We are grateful to organizers of such a noble event that not just helps in preserving our natural resources but in stopping a perennial problem which poses danger to lives and properties of our people,” De Guzman said.

Those who would like to participate in the tournament shall pay PhP1,500 joining fee (for senior golfers, and members of Valley Golf and Country Club) or PhP2,500 (for non-members).

This project is supported by Rotary Club of Marikina, with assistance from Philippine Veterans Bank and FF Cruz and Company, Inc, among other sponsors.

50% Reduction on Real Property Tax in Marikina

50% Tax Reduction

The city government of Marikina is inviting the city’s taxpayers to pay their taxes earlier or on time, and avail of the 50% reduction on Real Property Tax of the current year (2015) by paying it in full from January 1 to March 31, 2015.

This is stated in City Ordinance No. 88, Series of 2010 that gives real property tax relief and recognizes the financial difficulties Marikenyos had encountered in the aftermath of typhoon “Ondoy” in 2009. The reduction took effect in 2010 and ends this year (2015).

“Our citizens needed ample time to fully recover from the destruction of a typhoon like Ondoy. With the help of this ordinance, our taxpayers can avail of the 50% reduction on Real Property Tax of the current year by paying it in full from January 1 to March 31, 2015. They can likewise enjoy a free cup of coffee and reading materials while our personnel do their best to facilitate transactions in no time,” said Marikina Mayor Del De Guzman.

Meanwhile, taxpayers settling their taxes quarterly can avail of a 10% discount.

Taxpayers can also enjoy a free carwash at the parking lot beside Freedom Park.

The schedule for Real Property Tax payment is from January 1 to March 31 for the 1st Quarter; April 1 to June 30 for the 2ndQuarter; July 1 to September 30 for the 3rd Quarter; and October 1 to December 31 for the 4th Quarter. The statement of account (SOA) can be obtained from the City Treasury Office (CTO) located at the ground floor of Marikina City Hall.

For inquiries, call the City Treasury Office at (02) 586-9605.

Marikina to host Centennial Jamboree

Centennial Jamboree

Marikina Mayor Del De Guzman extends his greetings to the Boy Scouts of the Philippines (BSP) and welcomes participants coming from all over Luzon who will be attending the Centennial Jamboree for Luzon this November 4 to 9 as Marikina City hosts the said event.

Working hand-in-hand for the momentous event are the city government of Marikina, Department of Education(DepEd)-Marikina, Marikina’s League of Barangay, and Boy Scouts of the Philippines (BSP) Centennial Jamboree-Luzon, as the city prepares to accommodate an estimate of no less than 10,000 scout participants.

Prior to engaging in Global Development activities which include modules on green house, peace advocacy, ecosystem, livelihood skills, and the likes, an opening ceremony will be held at 2:00 p.m. at the Boys Town Complex of Brgy. Fortune before ensuing at Sime Darby area, also of the same barangay.

Vice President Jejomar Binay, president of the Boy Scouts of the Philippines, is the jamboree’s guest of honor.

The venue of the jamboree is expected to be dense with tall grasses, thickets, shrubs, or the likes, to which, according to Mr. Rodrigo Adriano, is intentional.

“The venue of the jamboree will have tall grasses or shrubs to begin with. People might get confused as to why the venue appears as such. Participating scouts will be trimming these as the jamboree commences. This is part of the thrill in scouting,” said Adriano.

Meanwhile, a pre-centennial jamboree will be held on October 24 to 26 as part of the preparations for the jamboree in November. Some 2,500 scouts from Marikina will be attending the said pre-centennial event.

De Guzman is the BSP’s vice chairman for Luzon, and the honorary chairman of the jamboree organizing committee.

PSM 1973 Spencer Troop 4 PSM 1973 Spencer Troop 3 PSM 1973 Spencer Troop 2 PSM 1973 Spencer Troop

Photos courtesy of:

Centennial Celebration Secretariat
Field Operations Division
BSP National Office, Manila

Shoe Pattern Making Course

Shoe Pattern Making Course

The city government of Marikina, through its Marikina Shoe Industry Development Office (MASIDO), in partnership with the Marikina Polytechnic College will be holding a course on shoe pattern-making for some 20 enrollees comprising of students, participants from shoe the companies, and interested individuals come September 15 to October 24 from 8:00 am to 12:00 nn at the Marikina Polytechnic College.

The forty-day course is divided into 15 modules that include lectures about footwear history, foot anatomy, materials used for footwear, anatomy of different footwear categories, midsole and bottom components, types of international sizing systems, shoe last, cutting of different patterns, making of court, oxford, derby shoes and sandals, grading of patterns, prototyping, and course graduation.

Course lecturer will be Noel Box, a technical consultant for Treadline Footwear who trained under the Clothing and Footwear Institute of London. Box is also the creator of the “mano-matic” system in footwear manufacturing and one of the creators of the world’s largest pair of shoes which is found in Marikina.

Through development programs, the city is aiming to achieve global competitiveness for its shoe industry.

“This activity is part of the city’s road map to help revitalize our shoe industry. Through shoe development programs such as technical training and integration of international standards, we hope that Marikina will be able to achieve global competitiveness,” said Rene Santillan, officer-in-charge of MASIDO.

Marikina not to rest on laurels despite most competitive city rank

Marikina City Hall

Marikina moves four notches up from its previous rank in the most competitive city ranking, and currently holds the top five spot in the said competition.

The recognition was given by the National Competitiveness Council (NCC) Philippines as the city moves higher in the ranks next to giants Davao (4th), Naga (3rd), Cagayan De Oro (2nd), and Makati (1st).

The ranking is based on local governments’ competitiveness in three equally weighted pillars: Economic Dynamism, Government Efficiency, and Infrastructure.

With this new award, Marikina Mayor De Guzman expressed his gratitude to everyone who worked for the effective implementation of city programs and projects but likewise reminded them not to be complacent.

“We are honored and grateful that our concerted effort and its by-product are recognized. I thank everyone for their hard work and valuable contributions in the name of sincere public service. Although we have moved four notches up the ranks despite the increased number of contenders this year, we must not rest on our laurels. Let us continue to work harder and serve better for a more competitive Marikina,” De Guzman said.

In 2013, 122 cities and 163 municipalities joined the competition. This year, contenders increased to 136 cities and 399 municipalities.

According to the NCC Philippines, Marikina garnered an overall score of 45.46.

The city also ranked 3rd in infrastructure next to Cagayan De Oro (Misamis Oriental) and Davao (Davao del Sur).